"Foreign selling at 0.6B," ang report nga palitan kanina. Isang buwan ko yatang hindi nakita ang sumatotal na nettong pagbebenta ng mga banyaga. Ano kaya ang kanilang sinimulang bitawan?
Tandaan, sa CANSLIM, ang katumbas ng I - Institutional support sa PSE ay ang pagbibili ng matatapang (kapag gustong pataasin) and walang habag (kapag gustong pabagsakin) na mga banyaga. Kailangang makiramdam sa mga susunod na araw kung ano ang mga istaks na nawawalan ng suporta ng mga banyaga. Hindi sapat ang aksyon kahapon lang, kailangang magmatyag nang mga limang araw man lang.
PERO bagkus, ang aking posisyong-salapi ay nasa halos kalahati, kung kaya't naghahanap rin ako ng maiging paglagyang matibay na kumpanya na pansamantalang bumababa dahil kinukuhanan ng kita ng mga panandaliang-aliw na traders. Kasama rin ako dyan sa mga benta-kapag-+5% an ang ganansya makailang buwan lang nakakaraan. Sa ngayon, gusto ko kasi double digit man lang bago humamig. Iba kasi ang ihip ng hangin ngayon...
SUBALIT sa huli, kanya-kanyang pakiramdaman at basa sa kumpanya pa rin lang yan.
No comments:
Post a Comment