Wednesday, October 9, 2013

O-ha, Meg!

Tamang-tama ang pasok ko sa 3.33 at otomatik benta (iniwan lang ang gustong presyo) kanina sa 3.56.

Ayos na sa akin ang 7.5% na ganansya.

FDC na ngayon ang aking susubaybayan. Bili na ko konti sa kwatro. Naalala ko rin kasi ang kwatro o kwarto na tsismis noon sa unibersidad.

Heniwey, ambaba pa rin ng bolyum dahil nag-uumpugan pa rin ng bayag si Boehner at Obama. Wag kang magbibigay ng bayag, Obama. Oks lang na malugi kami konti o maghintay konti. Ipaglaban mo ang Obamacare. Pag bumigay ka sa mga kongresistang iyan ngayon, kakayan-kayanin ka na nyang mga yan hanggang sa magtapos ang termino mo. Baka di pa manalo si Hillary nyaan kapag di nangmatigas kayong mga Democrat.

Kami rito'y titingin-tingin muna ng bargain. Biruin mong 8 na lang pala ang P/E nga ng FDC, e dividend paying naman yaan.

No comments:

Post a Comment