Sunday, September 7, 2014

Ukol kay DNL

Isa itong si DNL sa mga hindi ko na nasubaybayan, dahil sa kakulangan ng oras sa pagtutok, na sanhi naman sa pang-araw-araw na pagkakayod (kung di sin sana'y full-time na lang sa pag-te-trade, pero pantasya pa lang yata ito ngayon sa pinas).  

Subalit matagal ko nang kilala ang DNL, Oleofats, Chemrez at FIC, dahil na rin sa arawang hanapbuhay ko.  Naririnig kong ipinagyayabang ng mga minsang kahuntahang manedyer nila na, sa niche ng mga negosyo ng DNL, ay kakaunti pa lamang ang totoong kakumptensya nila. Totoo naman. 



Sa Chemrez halimbawa, na nagpoproseso ng mga virgin (hindi recycled) na resins para sa mga plastik--na gagamitin naman paglaon para sa mga upuan, lalagyan ng pagkain, bumper ng sasakyan, kutsara't tinidor, atbp.--ay yaong subsidiary pa lang din ni Gokongwei (JG Summit Petroleum) ang nag-iisang kakumptensya. Ganoon din si FIC na nagsusupply ng additive para nadudurog ang mga plastic bag ni SM kapag nabilad (oxo-biodegradable), at nang maka-comply ang plastic bag sa mga ordinansang pabor sa nadudurog na plastik (para di magsanhi ng pagbaha). Kakaunti pa lang din ang may teknolohiya (o partner) para may kumalaban kay DNL dito. 

Samantalang sa bisnes naman ng paghahalo ng kung anu-anong recipe at flavors para sa mga restoran, kailangan nyan ng lubos na pag-aaral, kagalingan. at kaalaman para makapasok ang kung sino mang gusto manggaya o mangumpetensya. Kokonti pa lang din ang nasa larangang ito. Minsan ngang nagyabang ang isang manedyer na ipatikim lang sa kanila ang gustong gayahing manok, aba, magagaya raw nila ang marinate, pati ang breading.

Wari koy'y pinapadala rin ng mga Lao ang kanilang mga emplayado para mag-aral o magseminar o mag-benchmark parati sa ibang bansa nang hindi nagtitipid, taliwas sa aasahan sa isang korporasyon ng mga Chinese. Hindi rin sila takot tumanggap ng mga inhinyero at ispesyalistang galing sa akademya. Nandoon na rin ang pagpabor ng mga Lao sa mga Fil-Chi. Sa isang miting, mapapansin mong nag-uusap ang lahat ng Fookien o Mandarin parati ang mga tao dahil halos iisang profile silang lahat. Hindi rin perpekto ang polisiya at diskriminasyong ito, subalit isa siya sigurong pinasimpleng paraan ni Lao para makakuha ng mga empleyadong bata, marami pang enerhiya, at may malasakit sa misyon at vision ng mga negosyo ng DNL. 

Mga mabilis na halos trivia lamang ang mga ito na ginamit ko mismo para mamili nang mamili nang DNL maski noong sumasadsad sya sa sais. Ang prublema lang, naibenta ko na lahat sila bago mag-diyes. Naniwala akong babagsak muna sya ng malalim bago lampasan ang diyes. Biruin mong, makailang linggo lamang, tumitira pa ngayon nang pa-kinse ang DNL. Parang si Curacha na ayaw magpahinga! 

(walang dudang mali at masyadong maaga ang pagkakabenta nang tatlong beses. pero oks na rin ang kita. nabili ko naman sila sa ibaba ng siyete)

Itong DNL dapat ang sinasabi ni katotong turmukesh ang makakatulong kung gusto mong talunin ang ganansya ng indeks. Di gaaanong kahirap talunin ang ganansya ng indeks dapat, kung naniwala at tumodo sa iilang solidong kumpanya tulad ng DNL. Hindi siya ganoon kahirap basahin ang kanyang pramis, maski noong nakaraang taon, kung tutuusin. Halos hambog na nga ang dating ng mga press release ng isang ito. Kung naniwala at tumodong 50% ito ng portfolio mo, daig mo na agad ang indeks ngayon. Yung nga lang, sa aking kaso, nakabenta lang nang maaga.

Ngayon, ang tanong--oks pa ba bumili ng DNL? Oks pa siguro kapag bubulusok pa ang indeks papunta sa 8000. Ibig sabihin, kung naniniwala kang ang sentimyento sa PSE ay sobrang positibo pa para itulok ang indeks sa 8000, bili ka na dapat ng DNL.  

Pero para sa akin, hanap muna siguro ako nang may 5% at makasundot nang kita sa gilid-gilid. Parang ang MBT halimbawa ay dapat madaling sumulong sa 91 ngayon galing sa 86.

Parang trip ko na rin mambasura saglit kung positibo naman talaga ang pangkalahatang sentimyento sa merkado ngayon. 

Yun ay kung may taym mag-monitor. Wag mambazura pag walang taym. 

No comments:

Post a Comment