Sunday, March 2, 2014

Kumusta na ang inyong mga portfolio?

Ako mismo'y nakatira lang nang tig-3.5 -5% sa maiikling taya sa VLL, CPG, MEG, at GTCAP. (Ang pagsama ko sa TEL ni Turmukesh na lang ang di nagbubunga). Ngayon, halos 50% ang nasa posisyon sa datung. Nandoon ang agam-agam na napaaga yata nang pagbenta. Kaliwa't kanan ang mga nagsasabi ngayon na matindi ang momentum pataas, at nagbabalik na rin ang mga banyaga.

Di ko sigurado ang solidong momentum na sinasabi nila, pero mukha ngang bumabalik na nang dahan-dahan ang mga banyaga. Ito ang nagpapaisip sakin na itaya ang lahat, sila lang naman talaga kung tutuusin ang may naglalalakihang bayag. Kung gusto nilang pataasin hanggang langit, grabe silang pumitik. Kung gusto namang pasadsarin, wala ring patumangga magbenta pababa.

Kaya ito ang magiging istratehiya ko sa mga darating na araw--oobserbahan ko talaga kung ano ang binibili ng mga dayuhan. Kapag may tatlong nagsama-sama--halimbawa JPMORGAN, DEUTSCHE, at MACQUARIE--sa isang stock, at tapos mukhang mura pa sa P/E, aba tataya na ako ng isa o dalawang talpak.

Hindi ko rin kakalimutang mag-enjoy nang konti.


Sang-ayon ako sa proposisyon na binibili din natin ang oras at edad. Mali ang diskarte kapag ipon lang nang ipon nang pera hanggang maging sinkwenta, atsaka maiisipang mag-travel. Pag nagbakasyon ka sa Puerto Princesa nang sinkwenta ka, iba na yon. Mas sumasakit na ang likod mo non. May dating na DOM ka pa sa mga bar.

No comments:

Post a Comment