Sunday, March 30, 2014

What's in a name? And ticker?

Sinimulan ito ni Dio sa SMP. Magandang dagdagan. Nakakatuwa naman kasi talaga ang registered names at ticker ng iba nating nakalistang kompanya sa PSE.

VUL--supot ang putok/pagsabog. imploding pa madalas

PNX--di pa nagreresurrect ang ibon mula sa pagkakasunog (may kaso pa kasi)... naalala ko tuloy daft punk"... like the legend of the phoenix... up all night to get lucky...."

JOHLIVILLE--Tingin ko ito ang pinakaestupidong pangalan ng kumpanya sa PSE. Walang kaugnayan ang pangalan sa bisnes nilang pagtutubig. Dahil ba nagandahan sila sa pangalan ng Jollibee? E kaso di naman makasunod sa price trend ng pinagkopyahan.

SGI--solid na ginawang liquid ni SB Equity

PHA--Premiere Horizon Alliance... panalo ang pangalan, high-minded, parang index stock na ang dating. Wish ko lang isama talaga ang condom sa holdings. Wag puros pasugalan. O kaya magprodyus na talaga ng movies. Wag makuntento sa paglisensya ng mga lumang pelikula nila Da King at Pidol.

PHESte--talagang PHESte ang isang ito.

ROCK--another double-edged name--rock-and-roll sana pag tumataas, pero sa totoo, naging kundiman na sa lamya. At tunay na Alcatraz (original na the ROCK) ito nitong nakaraang 1.5 taon dahil sa dami ng ikinulong. Walang makapuga.

PMPC--pang star awards ang bisnes pero bazura pa rin talaga

TEL--kinorner na ang TELephone kasi sya lang naman talaga ang nagsusupply ng telepono dati

GLO--it GLOws, but still reminds me of that pandak president

BHIlibid--storied stock for the adventurous.

AUB--parang birth control lang. High-flying in its IPO day and then cockblocked and tumbled down just days after.

COSCO--stupid imitation of Costco. Dapat nag-isip si Lucio ng ibang mas malikhaing pangalan. Oks naman ang Puregold. Pwede namang Alchemy Holdings, o kaya Karat Holdings, o Co Empire Death Star.

PGOLD--pure gold. Galing din ng nag-isip ng isang ito. Anlaki na ng kinita ng mga 3 taon nang may hawak nito. Mas maganda pa ang naging performance kaysa tumaya sa ginto mismo.

ALI--sapakan na. Parang palaban sa pagkamal ng mga lupain para lumaban kila SMPH, MEG, et al.

AC--airconditioned. Para sa mga laking aircon. Sosyal ang dating.

MAKE--make money? pero binenta na kay Zesto.

CAL--calaboso dapat ang mga nanlamang dito noon. Mga mandurugas.

LC--Elsie baby, malikot at malandi, pero marami nang nabasted

PHES--PHESte talaga


EMP--Electromagnetic pulse and sipa, pero parang supot na rabintador lang ang kinalabasan (sa ngayon)

BLOOM--kaBLOOM pag umaangat, lantang bulaklak kapag bumababa

DD--parang size ng bra. Maging sexy kaya mga ilang buwan pagkatapos ng IPO?

SHANG--Shang na shang lang ang pag-ibig ko. Di ko pa rin maintindihan ang 7th floor na parking ng mall nito sa Crossing. Biruin mo ang gasolina na gagastahin para makapark lang sa pinakatuktok.

NOW--not NOW. How about never? Is never okay with you?

CEB--walang akong maiassociate sa pangalan, pero bwisit talaga ang airline na ito. Ubod na kups na mga ground crew. Sanay na sanay na mang-asar. Angkakapal na ng mukha sa pang-hahassle.

PAL--hitik ito ng pwedeng tukso kapag bumabagsak--PALpak, kuPAL manedyers ba?, PALakang kokak sa talon at bagsak, etc

DMPL--maski ang mga may dimple di makatawa sa binagsak nito

TUGS--double-edged na naman... TUGStugan pag tumataas, unTUGS naman kapag di makalusot sa resistance.

2GO--parang takeout o maliksi dapat ang galaw ng presyo, pero kasama ito sa istak na mahilig matulog. Kapag nagising, mas posibilidad ang pagbagsak.

AGF--Agfa, beautiful pictures, pero laos na ang film.

AP--APir pag tumataas, diyaskeng diyoskopong APeng daldal pag dumadausdos

ALPHA--mas mukhang Omega dahil na-delist na

FOOD--parang masyadong oportunista na sinakop na lahat ng uri ng pagkain at tinawag na ang sariling FOOD.

ANI--reminds me of some of Napoles's NGO

APEX--more like abyss sa baba ng presyo

WIN--sino na ang mga nanalo todits?

GREEN--madalas ba green o mas madalas pula?

ARA--Ara Mina... matanda na . Cristine reyes na lang

COL--Hey I just met you... COL me maybe? Kailangan kasing itawag talaga ang mga order kasi madalas mag-down kamakailan ang website.

EVER--Ever wagas kapag nanunog para maka-claim ng insurace

No comments:

Post a Comment