Saturday, March 22, 2014

Pumapapalag ang Tubig

Ayon sa aking pansamantalang pamantayan na obserbahan at hulihin ang mga stock na may tatlong nagtutulung-tulongang banyaga--ang magtutubig na MWC ang aking nakita noong Lunes hanggang Miyerkules. Nagtutulung-tulong ang CSUISSE, PEP, MACQ, DEUTSCHE, atbp sa pagbili ng isang ito.

(Malikot pa rin, pero mukhang may nagsisimulang mag-ipon na na mga banyaga (tignan din ang paglaki ng bolyum).  

May natunugan na kaya ang mga foreigner na balita tungkol sa arbitration sa Singapore? Hindi ba inaabot nang taun-taon ang pagdinig sa mga korteng ito? Katakut-takot na sandwich, bayad, at pa-lunch sa mga abogado ang wawaldasin pa ng MWC at ng ating gobyerno (para ipaglaban ang posisyon ng MWSS) bago magkaron nang kaliwanagan ang kaso ng tamang singil sa tubig.


Magaling naman talaga ang MWC. Dito pa nga nilagay ang magaling na CEO ng mga Ayala na si Ablaza mula sa Globe papunta sa tubigan. Marahil, ginawa ito nila JAZA para palawigin at palakihin ang mas delikado at sensitibong bisnes na ito (mas sensitibo nga naman kaysa sa telekomunikasyon ang ipinapaligong at iniinom na tubig). Alam ko rin na kailangan ng malilikhaing mga hakbang para kumita sa mga baranggay na walang metro, o yaong mga lugar na punung-puno ng ilegal na koneksyon. Malamang nakita ninyo na rin ito... iyong nagsasalimbayang plastic na tubo, goma, hose, at tumatalsik na tubig sa daan.

Sa lugar namin sa Caloocan, ginastusan talaga ang paghuhukay ng daan para maayos ang mga primerong linya at mga kuneksyon sa mga bahay. Pinutol na rin sa proseso ang mga iligal. Ang kaagad-agad na benepisyo sa mga nagbabayad... kakaibang lakas ng presyur sa tubig na di namin naramdaman ng deka-dekada. Kaya't sa ganang akin, maganda naman ang naging pribatisasyon ng tubohan at tubigan natin.

Wag po

Kaya't medyo OA sa akin ang nagtatawag agad na ibalik sa MWSS ang admin ng tubig. Hindi ninyo ba naiimadyin ang pila sa munisipyo? Napapansin ninyo ba na habang maraming naghihintay, maraming tatanga-tangang nakatunganga o nagbabasa ng diyaryo duon at naghihintay ng alas singko para makauwi na?  Bagama't tama nga lamang na tignan ang rekwes na itaas ang singil ng ganun-ganon na lamang.

Mukha kasing guilty ang mga nasa board ng MWSS dahil na-expose ang naglalakihang 'consultation fees' at sweldo nila kaya't gusto agad makabawi, kaya't reduction ang inanawns, kaya ayun sumadsad kasunod ang presyo ng MWC.
(MWSS Chairman na biglang kambyo at anawns ng bawas-singil)

(Naglaho ang singkwenta porsento ng halaga ng MWC lasyir dahil sa pagpapasiklab ni Alikpala. Biruin mo, parang naging BHI lang ang galaw)

Heniwey, hindi man lumabas ang paborableng desiyon tungkol sa kaso, naniniwala ako na makakahanap ng oportunidad sa ibang lugas sa pinas o sa ibang lupalop sila Ablaza para palaguin pa ang kumpanya. Maglalagay na ako ako nang kaunti sa MWC para may paglagyan naman ang posisyong-salapi.

Ang sabi pa nga ng itay ko, 250 to 320 lang ang bill sa tubig ng anim na katao. Ikumpara ito sa kuryente namin? Tumataginting na limanlibo.

Meralco at power plant ng mga Lopez na lang ang tiradurin ninyo, mga katotong tibak.

(Ang mga Lopez ay mahusay lang makapag-isip kung pano makapanlamang at mautakan ang polisiya ng gobyerno. Hanggang ngayon tumitira pa rin sila nang pailalim kung paano makakatabo sa EPIRA at WESM) 

Hindi ko nga pala binanggit dito ang pagkakabili ng mga Lopez sa Maynilad at pagkaka-mismanage nito. Laking gudnews nga ng kinuha na lang ni MVP at DMC ang pagmando. Sa ibang post na lang ito.

No comments:

Post a Comment