(mahabang iskaleytor hanggang kisame)
Biruin mo, apat na istak ang nagkisame ngayong araw.
Kapag kisame ang usapan, karaniwan isa o kumbinasyon ng mga ito ang dahilan. Wala nang paki kung tsismis na peyk o totoo ang balita, basta ito ang mga ginagamit na mitsa ng mga mamimili (hinete man, mandarambong, o wagas na nakatunog ng tunay na balita):
1) may malaki at kaaya-ayang joint venture,
2) ibebenta ang isang subsidiary, buong kumpanya, isang malaking asset (halimbawa: isang malawak na lupain).
3) bagong may-ari,
4) gagamitin ang shell ng listed company para sa backdoor listing
5) nakahukay o nakadiskubre ng sumisirit at umaapaw na deposito ng langis,
6) nakadiskubre ng yamashita treasure ang kumpanya,
7) nakamina ng isang bundok na ginto instantly,
8) nakaimbento ng cold fusion o perpertual-making machine
9) o basta may earth-shaking na bagong source ng income bigla--halimbawa biglang pinayagan magtayo ng toll-gate at mangulekta ng toll sa gitna ng EDSA
10) ang majority shareholder para ay isang prinsipe o duke
11) si jesus h christ pala ang lumabas na pangunahing may-ari ng kumpanya.
12) may matinding hineteng gigil na gigil pataasin (jerkily) at sumugal para goyoin ang mga technical analysis believers na kala super-duper-breakout na.
13) magkakaroon ng tender offer na sobrang taas dahil biglang may bumili ng isang malaking bloke ng float
14) bibili si Warren Buffet ng shares (buhos ang fan nya na tiyak na susunod)
15) may inanawns na pelikula ang nakalistang media company, kung saan mag-bo-bold, full-frontal, penetration, in an orgy sila Ellen Adarna, Anne Curtis, Angel Locsin, et al.
No comments:
Post a Comment