Saturday, April 12, 2014

Salamat, Manny! Berde tayo bukas, mga katoto!

Pinrey-ober ba naman ni Mommy D sa locker room, habang naka-baro't saya. Yan ang anting-anting! Nagarintaya ang bilis ng mga suntok!


Sa buong laban ang hinahanap lang ni Bradley ay isang swerteng suntok na tatama sa panga (tulad nang ipinangpanalo ni Marquez). Kasa lang nang kasa at buwelo nang buwelo sa lahat ng suntok. Hindi nya nakita iyon, hindi siya nakatama, kaya talo siya. 

Nanduon pa ang bilis ni Manny. Maski humina na nang bahagya ang mga bato, nanduon pa rin naman talas at mataas na porsyento ng mga tama. 

Samahan mo pa ng orasyon at pamamakyu ni Mommy D, Mayweather susunod ka na... isa ka pang madaldal na duwag ka. 


Maraming salamat din, Mommy D. 


May siyentipikong pag-aaral na yan. Pag nanalo si Manny, pasitib ang indeks kinabukasan

Kailangang makahanap nang maagang tatayaan bukas. Mga requirements: kailangan malakihan ang bolyum na tinetreyd, hangga't maaari indeks istak siya. Pwede benta agad kapag malapit na sa +1%. AC, MPI, at AGI ang tinitignan ko. Si TEL pwede rin, basta hindi pigilan nang mga lokal.

Mabuhay ka, Emmanuel!


Wag ka mapapagod, mag-train! Oks lang may tsiks on da side (nakakanak-awt ka noon pag may ganito), basta di kalimutang mag-ensayo!

No comments:

Post a Comment