Thursday, September 19, 2013

Berdeng Biyernes na Naman


Surpresa talaga ang desisyon ni Mang Ben. Salamat, Mang Ben. Hayaan mo sanang bilhin na muna muli pataas ng mga naglalakihang pondo ang merkado namin, bago tirahin uli ang buong mundo ng QE taper. Palayain mo muna ang mga nakulong sa taas ng SM, SECB, at iba pa.

Mukhang berde ulit tayo ngayon, mga katoto, pero mag-ingat nang kaunti. Di pa rin unanimous, ika nga, ang pagbili ng mga banyaga. Nandyan pa rin si CLSA na matigas ang ulo sa pagbebenta at paninira ng sipa pataas. Bigla syang nagbubuhos pababa na lalong ikinakakaba ng na-shellshock na na locals (na sumusunod tuloy). Kaya't mag-ingat na lamang nang kaunti, pumili nang kaunti, at wag na ikalat ang pera.

Tandaan din na may miting ulit ang Fed sa susunod na buwan. Posibleng ilang linggo ng kasiguruhan lang ito. Isang magandang ideya rin ang pumili ng isang istak na oks lang na maipit ka kung umabot sa ganoon.

Nakabenta ako ng VLL at GTCAP, at bumalik sa Dos kahapon. Nakabili din ng MEG, sana makabenta sa 3.6 sa buwan ding ito.

Inoobserbahan ko rin ang mga bangko na mangggaling sa malalim--SECB, BDO--na mukhang pinapataas na muli. Baka bumili rin ng  BPI kapag kumbinsing na sumipa lampas ng 105. Dapat lang pataasin na ang mga ito, anlalaki ng kita ng mga yaan.

No comments:

Post a Comment