Hahaha. Biruin mo, nasumpungan kong bumili ang ABS sa 33 (umaasa sa talbog) nung Biyernes at nag-post ng 35 agad na sell. Binili din pala ni DW_Capital kanina lahat. Kumita na naman kay Dos! Salamat! Nanonood siguro ng The Voice si DW_Capital...
... Ito ang pasakalye ko para makadagdag ng kumento ukol sa The Voice.
Sarah, isa kang asset. Magkaroon ka pa dapat ng dagdag na kumpiyansa sa sarili. Lumulutang kasi ang insecurity mo kapag nagkukumento ka nang "na-aappreciate ko kapag sinusunod nyo ang mga instructions ko." Dapat lang na sumunod sila, Sarah, dahil ikaw ang coach at magaling kang mang-aawit.
Tapos sinisingitan mo rin minsan ng karanasan sa pag-ibig eklat. Kumbaga kung power company ang ABS, think of yourself as a vital power plant or a valuable asset for ABS. Be confident. Youre now one of that reliable deliverers of revenue to ABS. Kung hindi fuel ang pag-ibig sa power plant, cause lang sya ng down time. Wag na puros Gerard at Rayver eklat. Subalit, maganda ang pagkakaawit mo nito.
<iframe width="420" height="315" src="//www.youtube.com/embed/HWGgMxONRsk" frameborder="0" allowfullscreen></iframe>
Maigi na tinanggal na ang countdown-countdown vote is now closed ni Toni Gonzaga. Pampatagal lang yang si Toni Gonzaga kasi at minsan kung anu-ano pa ang sinasabi, natitipid tuloy ang oras para sa kantahan. Nakakadisorient kapag pinuputol ang pamilyar na kanta. Parang sumasarap pa lang ang awit, biglang tapos na, kasi kailangang isang minuto lang.
Sasabihin ko rin sanang tanggalin na lang ang pagbabasa ng twitter ng mga nanonood, kasi sayang oras din at wala namang kwenta, puros "galing!" "epic!" generic ang mga kumento. Tanggalin pag walang ispesyal na insight. Pero mukhang requirement ng licensor ng The Voice ang segment na ito, kaya sana magdagdag na lang ng staff na magaling pumili ng mas magagandang tweets.
Wag lang kakalimutan ABS, na ang mga contestant ang primerong nagdadala ng The Voice. Mahusay, magaling, sila Thor, et al. Kakaiba rin ang exit ni Daryll Shy noong Linggo na nanalo pa man din sa text votes pero naungusan lang ni Mitoy sa boto ni Leah. Angganda rin ng pasok ni Patti Austin. Pinanood pa naman namin nuong konsert noong Huwebes. (Inakapela nya ang In My Life. Kakilabot sa Araneta).
GMA7 should get Lani Misalucha back to have its own additional power plant. Mas kailangan na sya ng Maynila kaysa Vegas.
No comments:
Post a Comment