Sa kabanata 2 ng libro ni Galgani, ipinrisinta n'ya na agad ang buong konsepto ng CANSLIM.
Mahusay na ang pagsusumang ito ng CANSLIM sa Investopedia.
Pero para maiba naman, lalo pang nagbigay ng mas kinapsulang pagsusuma ang libro. Mas pinaikli pa lalo ng awtor ang ideya ng CANSLIM tungo sa tatlong 'big rocks.' Naaalala kong ginagamit ang big rocks bilang idyoma ng isyu, matitinding suliranin, o malalaking kailangang gawin, na dapat gawing prayoriti. Sa parehong intensyon, ginamit ni Galgani ang termino parang bigyang diin--bago ang maliliit na pebbles, o kung anu mang taktika at stratehiya, kailangang unahing tirahin, kailangang nasa kukote parati, ang mga big rocks na ito:
#1 Bumili lamang ng stock kapag may confirmed uptrend na. Dumepensa kapag bumabagsak ang merkado. (ibig sabihin--lumabas at pumunta sa cash)
#2 Tutukan ang mga kumpanyang may malaking paglago ng kita at may bagong innovative na produkto or serbisyo.
#3 Bilhin ang mga stocks na binibili ng mga malalaking pondo (institutional investors). Iwasan ang mga binebenta nila nang malakihan.
At ang CANSLIM ay ginawa lang base sa dalawang ideya:
- Hanapin ang mga papatok o mga malapit ng pabulusok paakyat, sa pamamagitan ng paghahanap ng mga stocks na may mga katangiang katulad ng mga pumatok noon, eksakto bago sumipa ang presyo nila.
- Ang malaman kung kailan na dapat magbenta. O maging mulat sa mga parehong senyales ng mga dating pumatok--noong naabot na nila ang tuktok at nagsimulang bumaba na.
(si G. O'Neill)
C - para sa Current Earnings. Kailangang ang kita at sumisipa at tumutulin ang pagtaas sa mga katatapos na quarters (tigtatatlong buwan.
A - Annual Earnings. Para masiguradong hindi tsamba ang paglago ng kita sa nakaraang quarter, kailangan ding tignan ang kita sa pangbuong taon. Kailangang malakas ang pag-akyat ng kita nang nakaraang tatlong taon.
N - New company, product/service, industry trend, or management. Kailangang may bago sa kumpanya. Maigi kung bagong produkto mula sa inobasyon na magpapalaki ng benta. Pwede rin bagong management o kaya bagong kalakaran sa industriya na game-changer (bagong batas o kung anu man).
S - Supply and Demand. Ang magagandang stocks daw at magkakaroon ng above-average na pagtaas ng volume na ti-ne-trade, Ipinapakita nito ang interes ng mga propesyunal na investors o manedyer ng mga malalaking pondo
L - Leader or Laggard - Dapat lider ang kumpanya sa grupo nya. Kapag klarong nanguguna sya sa kumpetisyon, ang mga pondo ay pipila papunta sa stock na iyon.
I - Institutional sponsorship - ang mga institusyon at mga pondo ay dapat tinatangkilik ang stocks. Kailangan makita na dumadami ang bilang ng mga nag-mamay-aring pondo sa stock. Kumpirmasyon ito na susuportahan nila ang stock na pinpuntirya mo.
M - Market Direction - Sa kasaysayan daw 3 sa bawat 4 na stocks ay susunod sa direksyon ng kabuuan ng market, pababa man o pataas. Kaya't kailangang matutunong sumunod, hindi labanan, ang kasulukuyang daloy.
Ang C, A, at N ay ipinaloob ni Galgani sa ganyang malaking batong #2.
Ang S, L, I naman ay nasa malaking batong #3.
At ang M, na binibigyang diin parati, at nasa batong #1
Sa pagpraktis ng stratehiya ng CANSLIM, +24.7% bawat taon daw ang sipa ng portfolio noong 1998 - 2013, kumpara sa +2.6% lamang ng S&P (indeks ng Amerika).
Sinusugan ng iba pang suporta ni Galgani ang ilang aspeto ng CANSLIM. Halimbawa, kailangang tangkilikin ang pinagbibibili ng mga mutual funds, at iwasan ang dinidispatsa nila nang pangmalakihang bolyum. Masasaktan ka lang kapag nilabanan mo sila.
Sinundan ng libro ng halimbawang Apple vs. Dell ang ilustrasyon kung paano kabisa ang CANSLIM. Anya noong pagkapasok ng 21st century, ang Apple ay sumisipa ang kita, may bagong magagaling na mga manedyer. may bagong produktong iPhone at iPad, samantalang ang Dell ay palugmok sa lumang PC, pisat or istedi lang na kita, atbp. Pinakita ang graph ng galaw ng presyo ng Apple at Dell. Bumulusok ang Apple pataas, dumausdos pababa ang Dell.
Ang isa sa mga litaw na naiiba sa CANSLIM ay ang pag-waksi sa mababang P/E ratio bilang atraksyon ngpagbili. Anya ng mga CANSLIM practitioners, ang mababang P/E ay pupwedeng senyales ng kahinaan, hindi ng pagkapatok ng stocks. Ang pinakamalalakas na stocks ay malamang may mataas na P/E, dahil mataas ang demand sa kanila. Ang mga pobre naman at ibinebenta pababa, kaya bababa ang P/E nito
Taliwas ito sa opinyon ng mga value investors.
Ang aking hinuha naman tungkol sa CANSLIM ay sa mga susunod na kabanata na lang. Pansamantala, sisikapin kong tapusin ang pagsusuma ng ikatlong kabanata ngayong linggo.
Gudlak sa mga trade ninyo!
No comments:
Post a Comment