Thursday, September 5, 2013

Berdeng Biyernes



Sa ganang akin, malaki ang tsansa na berde ang Biyernes natin ngayon.

'Ika nga ng mga chartist... maraming martilyong pang-torohan kahapon. Ang mga ito ang mga nakita ko  sa ilang minuto lamang na pagsilip: AC, AP, SMPH (alitataptap na doji), BDO, pwede na rin yata ang AEV. Bukod dito, berde ang mga kapitbahay kahapon. Yun nga lang, ang tumira sa atin ay ilan na namang pondo na lantad na nag-diskarga sa umaga, na sinundan naman agad ng mga nahintakutan.Pero bumawi naman nang tama lang na pagtaas bandang hapon, kaya may positibong lakas pa rin. Kailangang magtuloy ang sipa ngayon.

Kailangang suriin pa ang mga nabanggit na stocks at humanap din nang sarili mong alaga na maganda ang hinaharap (at i-share sa SMP pagkatapos). Timbangin na rin sa sarili kung ikokonsidera ba na mas matimbang sa iyo ang peligro na baka magtuloy pa ang alisan ng mga pondo (lalo't kapag ginawa na naman nang bigla ang pagbuhos sa umaga). Kapag may takot at agam-agam, manatili na lamang sa cash.

Ako naman ay tataya sa umaga at magbebenta sa hapon (berde man o pula). Tandaan ang sinabi ni Turmukesh, +5% ay parang langit na ngayon. Wag na munang mag-ambisyon na makaganansya ng +10%.

Mabuhey!

No comments:

Post a Comment