Friday, August 2, 2013

Ba't nagkagan'on ang Esem?

Parang may kasamang panggigigil ang pagbebenta ng mga banyaga at mga lokal:



8% ang isinadsad! Parang LC-Lepanto lang ang galaw!

Napakalaki pa ng volume. Kumbaga sa kontrabida (bear), napakalaking pagbabanta ang ibinato nya sa bida (bull). Baka mabugbog talaga ng husto tayong mga maliliit na investor sa mga darating na araw.

Sumanga at lumampas pa sa 20-day SMA. Sa mga chartists, maliwanag na signal ito para lumabas na at kitilin ang pagkatalo.

Idagdag mo pa na positibo ang mga index ng mga kapitbahay, samantalang tayo halos dos porsyento ang bagsak!

Ano ngayon ang dapat gawin? Bago yan, mga kailangang pagnilay-nilayan:

1) Itong SM ba ang nagmitmitsa ng bagong pagdausdos ng ating merkado? Ilang beses na ipinahiwatig ng mga Sy noon na hinding-hindi sila makikialam sa presyo ng kanilang stocks. Tama pa rin ba ang prinsipyong ito samantalang ang kanilang tyempo ng pagbenta ng ilang milyong halaga ng dagdag ng shares sa malaking diskwento ang nagsimula ng lahat?

(si Bigboy)

2) Bargain na nga kaya ang SM sa presyong ito ngayon?

3) Kumusta ang growth ng SM sa paningin ng mga malalaking mamumuhunan? Ano ba ang tsismis na nasasagap nila? Ibinabandera pa ng esem ang kinabukasan ng Belle at pagpapapalawak ng bisnes sa bansang Tsina. Hindi ba dapat ito ang pinakaunang konsiderasyon dapat sa pagbili ng stock ng Esem?



4) Baka naman nakaplano lang talagang idispatsa ng maraming nakatanggap ng stock divs ngayon ang 'sobra' nilang shares. Baka oks na uli ito sa Lunes.

5) Sa CANSLIM method, upang maging kaaya-aya ang isang stock, isa sa mga kailangan ay may "bago" dapat ang kumpanya. Kumikislap na bago ang pag-iisa ng SMDC, Highlands, at SMPH. Pag natapos ang transaksyong ito, walang dudang pinakamalaking maglulupa, mag-bibilding, at mag-mo-mall sa buong Pilipinas ang SMPH na matitira. At naniniwala rin ako na may matinding sinerhiya sa pag-iisang ito. Biruin mong pwedeng-pwede na magdesisyon ang isang management team lang na ang isang condom, halimbawa, at magkaroon ng  maikli, maaliwalas, at diretsong tawiran papunta sa isang mall. Manenegotiate din ng maigi ang mga kontrata kung iisa lang ang kausap nang mangcocondom at mang-mo-mall. Hindi ba naikonsidera ito ng mga gigil na nagbenta kanina?

6) Umabot na ba sa mga mamumuhunan ang kontraktwalisasyon, pamumutol ng puno, mababang pasahod sa mga salesladies (na hindi man lamang ilibre ng BONUS makeup dahil inoobliga naman nila ang mga dalagang ito na mag-makeup nang husto) at natakot ang mga investor baka umabot sa knila ang karma?

Ang posibleng galaw nekswik...

Pumasok o magdagdag kung naniniwala kayo sa planong paglaki ng Esem. Ako'y mag-oobserba siguro hanggang Miyerkules. Pero kung umabot ng 800 ang presyo, kailangan ng tumaya-taya na nang konti. Subalit kung dumadausdos ang buong indeks, tabi pera na muna siguro. (Ibinenta ko nga pala ang aking Esem isang araw bago ang ex-date stockdivs nila. Nagkaroon ng konsiderableng kita rin).

Pansamantala, alalahanin muna natin ang Yano...



Patingin-tingin, di naman makabile

patingin-tingin, di makapananood ng sine
Walang ibang pera 

kundi pamasahe
nakayanan ko lang pambili ng dalawang yosi
Tung-tung-tung-tung-tururung-tung-nu-nung
--Yano. 
(naalala ko ang sabi ni Dong Abay at Eric Gancio na isa sa mga ibig sabihin ng YANO ay pinagsamang oo at hindi. Anggaling. Pasensya na Eric at Dong, sellout na kami, kapitalista na, alipin na rin ng korporasyon, may mga anak na rin na pagkamahal ang pampers at gatas. bili na lang kami ng colt 45 mamya para alalahanin ang mga mob natin noon na may konsert. Pasundot-sundot na lang sa progreso at pag-unawa sa mga maralitang kasama sa loob ng korporasyon. Padayon.)

No comments:

Post a Comment