Wednesday, August 28, 2013

Masiba

Hindi makukumpleto ang linggong ito kung walang post tungkol sa isang masiba.


Siksik-liglig-umaapaw ngayon ang news tungkol sa inyo. Good reading pa itong series na ito.

http://newsinfo.inquirer.net/465861/napoles-benhur-luy-has-another-boss-it-is-not-me

http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/08/08/13/jeanes-blog-fashion-show-were-school-projects-says-dad

o-kaya i-google Napoles, at nang ma-entertain sa bwisit.

Sa sobrang tagal na siguro nilang nandarambong, feeling ng masiba at nang kanyang pamilya na parte na sila ng sistema. Na isa na silang esensyal na gear at pinion ng pagnanakaw at pandurugas na kailangan sa Kongreso. Biruin mong gumawa pa man din ng conglomerate -- JLN Group of Companies. Kung i-ni-PO nya siguro ang JLN, isang buwan na puros ceiling.

Congrats, Napoles, may 10 Milyon ng nakapataw sa ulo mo. Tsiken lang ito't madali mo lang madodoble para patuloy kang makapaglamyerda sa kung saan. Kung nasa dagat ka ngayon, bumili ka na lang muna ng isang isla. Dyan ka muna, dahil kapag lumakad ka sa Maynila, baka mamatay ka sa pamamagitan ng malililiit-malilingit na kurot ng masa. Ito yung pagkaliit-liit na na masakit na kurot at nagmamantal. Mamamaga ka muna nang doble sa maga mo ngayon bago matigok.

Hayup ka, Napoles.

No comments:

Post a Comment