... at itabi agad ang kita. Wag magpapatagal sa baso, 'ika nga sa mga inuman. Magsubi agad ng kita. At kitilin ang pagkatalo kapag masama ang takbo ng presyuhan, o pagkatapos ng average down, e nanghihina na ang ganansya pataas.
Bagamat tinamaan din ako ng kulog ng bagyong pagbagsak kanina, gasino lang ang isinadsad ni ABS, BEL, at MBT ko. Malakas-lakas pa rin, at nakatabi na ang kita mula sa CPG, TEL, et al. Hindi talaga ako nagtodo dahil kahit papaano, sinusunod ko ang CANSLIM ni O'Neill. Wag na wag daw sasabak nang todo kapag walang 'confirmed uptrend.'
Subalit mukhang nakakatakam na ang presyo ng ilang stocks, kasama na ng grupong Esem. Hhhhmn... baka makataya nang bahagya kahit isa lang kay SM o SMPH.
At dagdag pa diyan, sa ganang akin, marami-rami yata ang araw na lang ang bibilangin e cut-off na ng dibendo-taym. Ayon sa websayt ng PSE, ang mga ito ay malapit na malapit na magpamudmod ng ekstrang kita.
GLO (galante)
TEL (galante)
SGI (pwede na)
MBT (galante)
JFC (galante, lalo't kapag kinumpara sa mga dating ibinibiyaya ni Jollibee)
Ang GTCAP ay nalalapit na rin subalit kuripot ang ibibigay
Kailangan ding obserbahan ang mga ito. Kapag konting pumayapa ang palitan (yung hindi sobrang likot na parang kiti-kiti sa taas-baba ang presyuhan), kailangang tumaya na.
Kumbaga, nagkakaroon ng konting bentahe halimbawa ang TEL, maski bumaksak muli nang 5% pagkataya mo. Maluwag pa rin sa loob na magdagdag sa ibaba dahil may ilang porsyentong elbow room na ibibigay ang dibidendo. Mas kayang magtiis ng sakit kapag may dibidendong siguradong parating.
Kailangang makapagbukas ng online trading bukas, bandang alas diyes y medya, upang makataya sa isa man lang sa mga ito.
Sugod!
No comments:
Post a Comment