Wednesday, August 7, 2013

Mga minamatyagan, mga plano, at mga inaasinta: BELLE


BEL--bumabagsak ang isang ito dahil ang mothership (SM) ay pinapasadsad ng mga naghaharing pondo. Subalit sa lahat ng may hawak ng lisensya ng pasugalan sa PAGCOR Entertainment City, siya lamang ang garantisadong kumikita at kikita na agad, maski hindi pa bukas ang Belle casino nila. Mangyari kasi, binabayaran na agad ng Melco ang BEL  bago pa man paikutin ang unang roleta o ilahad ang isang baraha sa lamesa ng blackjack. (Aktwali, may isa pang partner na kompanyang pinoy, pero alisin muna sya sa piktyur para lang sumimple ang diskusyon). Medyo kakaiba at may kagulangan talaga ang business model ng BEL. At di araw-araw mapapapayag ang mga partner sa ganitong pakikipag-negosyo.

Iniisip ko rin na may bentahe ang Belle casino kumpara sa Solaire ni Bloom. Si partner Melco dapat ang mas garantisadong makakapagdala rito ng maraming sugarol, dahil konektado na ang pamilyang nag-ma-may-ari ng MCP sa Macau, anak pa man din mismo ni Stanley Ho ang pinuno ng mcp. Sandamakmak na tsinong bagong-yaman ang dapat mahakot ng anak ni Stanley Ho para tumira sa magagarang hotel, maglasing, kumain, at magpatalo ng pera sa Belle Grande Casino, pag bukas nito neksyir. Ang suhestyon ko'y, magtayo rin ng branch ng F168/Airforce at maganda-gandang inuman sa tabi para kumpleto na ang trayanggulo ng bisyo sa lugar nila--alak, babae, sugal!!! Tapos ang mga lokal ay patawan ng entrance fee bago pumasok, a la Singapore, para hindi naman tayo masyadong malulong dyaan.

Ilambeses na rin ako kumita sa pagtaas-baba ng BEL. Tumatanaw ako ng utang na loob, kaya't ipoinoste ko na ang pagpasok sa 4.8. Kapag palpak ang entrada, 'hold' lang; garantisado naman itong tataas bandang Pasko at mga dalwang buwan bago magbukas ang Casino.

Gudlak!

No comments:

Post a Comment