Ayaw ko ng mga pasentimyentong paawa shows nyo na masyadong mang-take advantage sa mahihirap para magkaroon lang kayo ng content, sablay ang pa-sensational na news org nyo (lalung-lalo na nang umalis si Maria Ressa) at ang mga dokyu na uunahin ang pag-raid sa isang massage parlor at sex videos kaysa ang mga importanteng isyu na kailangan ng aktibismo, ang soap opera nyo na nagpapahaba lang at pumipiga sa bawat rating maski paulit-ulit na ang plot devices, ang mga pakyut na artista na pulpol naman umarte, ang mga pelikulang walang wenta at puros butas ang iskrip, pero panalo ang THE VOICE. Jackpot kayo rito. Sa wakas nagkaroon na rin ng palabas sa Dos na talagang susubaybayan ko.
Ang akala ko noon naubos na ang magagaling na mangaganta sa dami nang singing contest na pinuhunanan ninyo ng GMA7, hinding-hindi pa pala. At maganda talaga ang tema ng The Voice na, imbis na open ang audition, imbitahan dapat ang mga bihasa na, mga raketero ng bars, mga di nagtuluy-tuloy ang pagsikat noon, mga backup singers, para iwagayway naman sa spotlight ang talento nila.
Totoo namang utusan lang mga ang iskawt na magtanong sa mga bars kung sino sa mga kilala nilang mahusay rin, talaga namang makakamina pa ng mga bagong tuklas na kayang kumanta ng Tatsulok (padayon mga Tibak!) at I am But A Small Voice:
Maski itong isang kontes sa battle round na parang alanganin ako dahil iniba ang tono sa pinakaborito kong kanta ni MJ
ay panalo pa rin sa drama.
Sayang, sayang, natalo ang gusto kong kumanta ng George Gershwin sa blind audition (di ka makakarinig ng piyesa mula sa Porgy and Bess araw-araw sa mga pakontes natin):
Nakakapanghinayang, pero ganyan talaga. Kasama ang hinagpis at mga sayang-subalit-datapwat-kungdisinsanay-kungakoyan moments sa magagandang palabas.
Wag kang malungkot Michaellen. Kukuhanin ka na ng mga bar na uber-bongga magbayad dahil sa dalawang pakitang gilas mo. Wag ka nang tatanggap ng raket na mas mababa sa Dusit, Intercon, et al. O di kaya, lipat na agad sa GMA7.
Ito lang--para sa Dos--
- sana binabayaran ninyo na ng talent fee ang mga awitero, maski contestants pa lang sila. Antindi na, sila na ang nagbibigay ng content sa inyo. Wag masyadong sarilihin ang kita mula sa advertisers. Mag-pondo na sa karma at para magtuluy-tuloy ang The Voice ng ilang seasons.
- Tsaka pigilin ang sarili kapag natutuksong lagyan ng sangkatutak na storyline tungkol sa "kailangan ko ng pera para makapagpaaral sa mga kapatid." Oks lang na pangrekado/pangdagdag ito, pero nakakasuya na pag parati at paubos-oras ang dating. Lahat naman tayo kailangan ng salapi, maliban sa 0.1% siguro ng populasyon. (Kung sa US 1% ang sobrang yaman at yaman pa nang yaman sa ilalim ng kapitalismo, malamang satin 0.1%).
Thor, Janice, Rhada, Mitoy, atbp, tataya ako sa ABS dis wik dahil sa inyo. Mamayani sa akin ang content at ganda ng produkto kaysa sa kung anong pattern sa chart o estado ng volatility sa ating merkado.
Sugod The Voice! Pasiglahin mo ang presyo ng ABS sa Stock Market!
Pagpasensyahan ninyo na, baka magsulat ako ng tungkol sa The Voice nang lingguhan.
No comments:
Post a Comment