Tuesday, August 13, 2013

Larawan ng panghihikayat ng Foreign Investments

Tuwing makakabasa ako ng artikel online tungkol sa mga Industry Leaders na nanghihikayat ng mga banyaga na mamuhunan sa Pilipinas (para dumami pa ang trabaho rito)... ito parati ang piktyur na nakakabit sa artikel.



Paumanhin, Atty Varela, subalit sadyang hindi kahika-hikayat ang larawan mo rito. Hindi siya nakakahalina ng mga potensyal na mamumuhunan. Medyo kontrabida ala Max Alvarado ang kartada sa pagkakakodak mo rito. 

Nawa'y pumili na lamang ang Interaksyon.com ng ibang piktyur ng mga pabrika halimbawa, o mga magagandang tsiks na nagtatrabaho sa  semicon, o kung kailangan talaga si Mr. Varela, dapat si PCCI President ay nakikipagkamay na lamang sa picture, gamit ang wide angle, at malayo ang shot. 

Mabuhay!

No comments:

Post a Comment