Platinum Record? Bakit hindi ko siya kilala? Hindi kaya nagmumukha namang desperado ang Kapuso network nyan na magkaroon ng pantapat kay Sarah Geronimo? (Hanggang ngayon lubos pa rin siguro ang pagsisisi ng siyete sa pagbitiw nila sa talento ni Sarah).
Maganda naman pala si Julie Ann:
(clamshell studio lighting na kuha ni Julie Ann, pero hindi pa rin ako nakakarinig ng kanta nya)
(nagpapicture sa malayong kaparangan ng Eastwood si Julie Ann)
Subalit ayon sa kanyang wikipedia entry, parte pala siya ng SOP, Party Pilipinas na lahat nasibak na ngayon. Bakit nga ba hindi makagawa ng mahusay na pang-Linggong kantahan at sayawan? Ibalik nyo na lang kaya ang Bellestar at Vicor Dancers ni Kuya Germs, para nakakatawa, man lamang
Ang hindi kasi nakakaaliw ay ang bumabang kita ng Siyete sa second quarter 2013 kumpara sa 2012.
Nakakadismaya lalo ito kapag inisip na dapat tumabo pa sila sa patalastas noong papasok ang eleksyon. Hhhhmn GMA7. Malamang matagal na matutulog ang stock nito sa kasalukuyan nyang range.
Bagamat kung eentrada kayo ngayon, makakaasa sa mga 2% na dibidendo--dagdag sa biniyaya noong Marso--bago matapos ang taon. Ito naman kasi ang lamang ng siyete sa dos. Ang dos tali sa kasunduan (sa mga pinagkakautangan ng mga Lopez) na hindi basta-basta makakapagdeklara ng dibidendong malaki-laki.
Pero sa Kapuso, bigyang prayoridad na ninyo please ang mga writers. Sila ang magbibigay ng content. At... take risks, ika nga. Madali din naman kayo sumibak ng shows kapag pumalpak. Pakisuportahan na rin ang mga indie films. Maganda raw iyong Sana Dati.
No comments:
Post a Comment