Wednesday, August 14, 2013

Clap! Clap! Clap! CPG

Maraming salamat CPG, maraming salamat Robbie da Pogi, maraming salamat Paris Hilton at sa iyong dedeng masyadong pinisa para magka-cleavage.


Tama na sa akon ang diyes porsyentong kita na naani pagkatapos lamang ng tatlong araw. Bakit hindi ko hinintay ma-abot ang rurok ng luwalhati bago ibenta? Hindi ko naman kasi masusubaybayan ang merkado; kailangang kumayod sa umaga. Hindi rin pangmatagalang hawak para sa kin sila Robbie; hindi ko arok ang kanyang Museo at di ko alam kung bakit pinapayagan at iniispoiled sya ng kanyang tatay sa mga kaululang pagkakagastusan.  Hindi rin tayo nag-aambisyon na makaganansya nang katulad ng kay SUN. Hindi rin ako fan ng pilit na cleavage. Atsaka, hindi rin ako kumbinsido pa na nasa "confirmed uptrend" na ang merkado, ika nga nila William O'Neill (bagamat isa ako syemps sa nananalangin na sana simula na nga ng pagsipa pataas ng indeks).

Ngayon, nag-post ako ng buy sa AC at BEL. Sana mabiyayayaan. Sisilip din ako sa galaw ni AP at JGS bukas nang alas-diyes. Hindi gano pabongga at napapansin ang dalwang ito, pero mga solido naman na kumpanya. Ang AP, di pa gano tumaas, malamang may sipa maski +5% hanggang biyernes.

Ang JGS, natalo lang sa forex kaya mababa ang ganansyang inulat. Pero kung wala ang pagtaas ng dolyares laban sa piso, buung-buo ang kita ng mga negosyo ng conglomerate na ito. Maganda pa ang kumbinasyon ng bisnes ng mga Gokongwei. May sinerhiya ang real estate, retail, food manufacturing, plastics processing, etc. Hindi katulad ng kay RSA na kalat-kalat, buhaghag. walang core, at tirada lang nang tirada hanggang sa malugi (Wi-tribe). Di pa mahuhusay ang mga middle managers ng SMC. Magagaling lang mag-follow-up at puros sigaw (pero walang diskarte).

Gudlak sa atin!

No comments:

Post a Comment