Ang Century Properties ay minamando ng mga Antonio (hindi ng Fil-Chi ng Century Tuna na nakapangasawa ng isang Nanette Medved). Ang patriarch ng CPG ay si Jose or Joey, na dating ambassador sa Tsina (niluklok ng mga Arroyo).
(Si G. Ambassador, habang mataimtim na nag-iisip kung pano lalong kumita).
Pero ang mga pinunong manedyer na umeeksena sa ngayon ay ang kanyang dalawang anak. At sa dalawa, si Jose Roberto o Robbie ang mas madalas magpa-interbyu at ma-kodak-an (katulad nitong larawan sa ibaba na kasama si Paris Hilton, na sumobra naman yata ang pakakapitpit sa dede!):
(Si G. Robbie na kahit anong bihis at porma ay may hapyaw-kargador-na-nabilad-sa-araw pa rin ang hitsura. Hindi mo mapapatungan ang pinoy looks. At bakit mo naman iwawaksi, Pare?
Isa pang trivia: hindi raw nagsusuot si Robbie ng hindi tailor fit ayon sa isang interbyu. I-google na lang ang iba pa nyang narsisismo).
Isa pang trivia: hindi raw nagsusuot si Robbie ng hindi tailor fit ayon sa isang interbyu. I-google na lang ang iba pa nyang narsisismo).
Bagamat hanga ako kay G. Robbie sa pagtatapos nito ng MBA sa Stanford GSB (ang hirap makapasok dine), hindi ako humahanga sa kaululang proyekto nyang nagkakahalaga ng isang bilyon. Ang tinatawag pa mandin sa proyekto... Museum of Me. Sanamagan, basahin na lamang dito ang detalye (nasa Vanity Fair pa ang artikel).
(Biruin mong gumastos nang sangkaterbang-sangkatutak si G. Robbie para ipadrowing ang kanyang mukha kila Julian Schnabel, David LaChapelle, et al. Wow! Laglag-panty tiyak ang mga alta-sosyedad na matrona na nagsa-shopping sa Rustan's pagkatapos mag-mahjong)
Pero, baka naman sabihin ni G. Robbie e hindi naman sya alumni ng Ateneo o LaSalle, kaya hindi papayag ang mga trustees na magpangalan ng Robbie the Pogi College of Hair Science nang basta-basta... Ang sagot? Aba, e de magdonate na lamang siya sa Libis Talisay Elementary School at palitan ang buong pangalan nito nang Mababang Paaralan ng Dakilang-Robbie-Da-Greyt-na-dinesenyo-IM-Pei, Inc. Elementary School. Patok yon, at tyak na papayag ang DECS District Supervisor dyaan sa may Caloocan.
Buweno, ang Century Properties ngayon ay lugmok ang presyo at matagal nang nagbabantang bumaba sa 1.2
Sa posturang ito ng presyuhan. mukhang maigi nang tumaya sa CPG bukas at sa mga darating na araw, dahil:
1) mura ang CPG sa 1.2. Biruin mong 5 lang ang P/E, mas mura pa sa ROCK (na isa pang kamote), samantalang di hamak na mas malaki ang kita ni CPG kay ROCK.
2) kung magtutuloy ang nasimulan kanina na pagtaas ng sector ng properties, dapat gumiya man lamang nang +5% ang CPG bago bumaba muli (kung gusto nyang bumaba muli).
3) Mukhang matibay ang suporta sa 1.2; kailangang tumalbog na ang presyo dito, at gumawa nang parang mini-head-and-shoulder pattern man lamang. Kung hindi, dausdos ito sa piso at krisis na (naubos ang pera sa Museo?).
4) dapat mahiya naman si CPG kay VLL na umarangkada na ng husto
5) nakabinbin din ang stock divs na tyak na magtutulak ng presyo kapag inananawns na ang ex-div date.
Bagamat bugbog ng reklamo ang nauna nilang condom dyaan sa Edsa Central na ampaw daw ang dingding, na kapag may nagyuyugyugan sa kabila ay maririnig mo raw ang mga bira at halinghing. (Pero anlakas na lab meyking naman siguro noon)... wag na muna gano intindihin ito at ang Museum of Me. Lunukin na muna ang vanity ng mga Antonio. (Sana lang hindi ikinarga sa cost center ng CPG ang bayad sa Nakananginang Museo). Tumaya na nang konti sa CPG at ibenta agad kapag kumita na nang 8%.
Mag-ingat na lamang at magdahan-dahan sa pag-invest sa CPG. Mga-average down kapag bumaba pa sa 1.1. Kapag dumausdos pa nang mas mababa sa piso, kitilin na ang pagkatalo at masdan na lang ang mga poster ni Paris Hilton, at ang mga larawan ni G. Robbie-da-Poging-Pogi sa Museum of Me.
No comments:
Post a Comment