Nakakatuwa ang mga happenings pagkatapos ianawans ang appointment ni Gina Lopez bilang DENR secretary. Biruin mong bumagsak nang mahigit beinte porsyento ang PX ni MVP. Pagkatapos, sinabihan nyang Elephant in the Room si Gina. Ininterpret naman ito sa mga forum na sinabihan na mukhang elepante si Gina Lopez. Sinong babae nga naman daw ang matutuwa kapag ikinumpara sa isang Elepante?, dagdag pa ng isang forumer. Di naman singtaba ng elepante si Manay Gina. O baka naman singkulubot na ng elepante ang balat ni Manang?
Hahaha. Hindi naintindihan ng maliliit na investor ang metaphor.
"Elephant in the room" or '' Elephant in the living room' is an English metaphorical idiom for an obvious truth that is going unaddressed. The idiomatic expression also applies to an obvious problem or risk no one wants to discuss.
Heniwey,di naman singtaba o mukhang elepante si Regina Lopez.
Sa ganang akin, mukha lang syang mahjongera.
O di ba? Ready to Siete Pares?
Magmamahjong lang ba sya sa DENR at magdidissaprub ng lahat ng Mining permits? Maraming trabaho sa DENR bukod sa pagsuheto sa mga minahan, Ma'am. Bagamat talaga namang ang mga naglalakihang minero ay mapangwasak ng kapaligiran kapag hindi nabantayan.
Pero ano ang mangyayari sa istaks ng LC, PX, atbp? Bumulusok pataas na dapat ang mga ito dahil sa Brexit, pero mukhang mas matigas ang pwersa ni Elephant or Mahjongera Gina.
Basta ako tumaya muli sa LC nang konti sa 0.246. Konti lang. Hwek hwek.