Showing posts with label My Education. Show all posts
Showing posts with label My Education. Show all posts

Sunday, March 8, 2015

Index uptrend intact?

For fun, let's validate if the runup of the PSE index is still intact based on one Technical Analysis (TA) concept that's fairly easy to follow.

The check is through MACD analysis. The requirement is actually just a quick glance to see whether or not the short term moving average (orange macd in the most bottom graph below) is above the intermediate moving ave (violet) and long term (green). If the orange is above the other two, that's good, the uptrend is suppose to be "holding."

Further in TA parlance when any of these lines cross, it is an important event.

This means we should have bought some time end-December when orange line crossed intermediate-term (violet) and bought even ore when orange crossed green (long-term). 


Same principle applies when lately orange crossed below violet when you should have sold the index, if you are trading only for the short and medium term. You should have gained minimum 7.5% through this system. If you are in it for the longer term, you should still be holding because the orange line is still above the green, and moreover, orange is threatening once again to cross above intermediate just last Friday.

Not that hard to follow, aint it? It is also not that hard to do as well given that BPI and most other banks have UITF anchored on index today that you can quickly invest in online. FMETF also exists and can be traded in the PSE. Youre not any more relying on bogus fund managers who pick speculative LC, DMPL, and the likes that can deplete your hard earned money.

But among the problems in using this method is 1) when the index breaks down too fast and too hard. You might not have the time to pull out. 2) You wont have the chance as well to "beat the market" (beat the index) on the basis of your own belief on companies and strength of your own research. It also doesnt take into account how expensive (can be interpreted as how 'scary' in terms of risk/reward) already is the market, and 3) the lines might be crossing too often in a volatile market, every investment just becomes virtually casino bets.

As Ive written elsewhere, Im not a full believer in TA. Im more into the value of the company (I wont call it pure value investing yet a la Buffett) and the caliber of the people that run the company. I also get a bit of 'entertainment'--I get fulfilment and satisfaction in managing my money myself rather than just allowing the market or another fund manager to do it for me.

To compensate, I invest in UITF that is based on index invested on the side, but the bulk of the funds are still divided between a nimble 'short-term' traded portfolio (brokerage under BPI), and intermediate and longer-term under Firstmetrosec. It works for me. Although Im not beating the index year to date, it brings me fulfilment to pick and put money where my talk is.

Saturday, October 12, 2013

Mamingwit sa ilalim vs. maghintay ng breakout

Totoo namang mas delikado mamingwit at manghula na pinakailalim na ang mapupulutan mo, kaysa maghintay na lamang ng breakout tsaka makisakay. Sa pangalawang istayl ng trading, mas may istruktura ang mga gabay. Meron kasing mas mahigpit na paalala na kitilin ang pagkatalo kapag hindi nagtuluy-tuloy ang breakout tulad nang inaasahan. Sa halimbawa ng PGOLD (na isa kong perinyal na paborito pero di na nasubaybayan)--

Bagamat hindi mataas ang bolyum kumpara sa gusto ng mga tagahanap ng lehitimong breakout, nilampasan ni PGOLD ang 42 na ilambeses nyang sinubukang basagin bago pumailanlang na ngayon. Kung bumili ka sa 42.1 noong 10/02, mayroon ka na ngayong mga 8%. Kung kasama naman sa mga natakot noong Miyerkules at nagbenta sa 45, oks na rin ang +7%.

Paalala ng mga tagasunod ng sistema na ito na magkitil ng talo sa pinakamalapit na support kung peke pala ang breakout. Sa kaso ng PGOLD, sa 40 o 38 mag-cutloss.

'Malinis' ang istayl na ito, subalit mas eksayting ika nga ang sumubok mamingwit sa ilalim. Tulad ng totoong isport sa fishing, napakasaya (tingin mo'y napakagaling mo) kapag tama ang hula na ilalim na talaga ang napagbingwitan.



Ang karaniwang guide ng mga mangingisda sa ganitong istayl ay ang RSI. Kapag sumasadsad sa 30 ang RSI, pero solido naman ang kita at kinabukasan ng kumpanya, dapat daw mamingwit na. Sa kaso ng SECB na dinispatsa ng mga pondo dahil sa mababang ulat ng kita noong nakaraang quarter--


--kung bumili ka sa dulong 105, meron ka nang 30%+ ngayon. O kung sa saktong 30 RSI bumili  (mga 118 ang presyo dito), 16% pa rin ang kita. Mas mataba nga ang ganansya at para kang henyo o pinagpala ng maykapal kapag bumili sa isang mababang presyo at biglang tumaas agad mula doon.
Subalit napakahirap nga namang alamin kung talagang dulong ibaba na ang mabibingwitan. Pano kung sumadsad pa sa nuwebe halimbawa ang RSI?

Ang sagot siguro ay, kahit anong sistema man yan, kailangang ang fundamentals pa rin ng kumpanya ang saligan. Tuluy-tuloy pa rin naman ang kita ng SECB at makikita naman sa paligid ang patuloy na pagsulpot ng mga branches ng bangkong ito (nag-eexpand ang negosyo), kaya siguro marami ring pumasok at sumuporta sa bandang 105-110.

Ganon din sa mga sumabak sa GTCAP. Di na kailangang hintayin pa na umabot sa 30 ang RSI sa kumpanyang ito ng mga Ty, solido naman kasi ang Toyota, Metrobank, at Insurance na pag-mamay-ari nito, at pag tinignan ang graph, parang malaki na ang probabilidad na tumalbog sa 750 ang presyo dahil ilambeses nya na ginawa ito noon.

Ang problema nga lamang kapag may matinding bad news sa bansa o sa merkado (tulad ng QE easing), maaaring lumagpak pa sya ng husto. Sa kaso ng GTCAP, umabot pa sa 700 ang lagpak (maiging dagdag na lang siguro pag abot doon).

Alin sa dalawa ngayon ang mas mabisa? Walang aksyon masyado pag hintay lang nang hintay ng breakout. Madalas lang ang kasong ito kapag 'overall uptrend' ang merkado. Kapag ganoon, hindi na nga kailangan maghintay ng breakout, dahil lahat halos (lalo ang mga magagaganda ang paglago ng kita) ay tataas. Kung aksyon ang gusto, ang mamingwit sa inaakalang dulong-ilalim ang magagamit. Ganoon din kapag di kalakihan ang itataya.

Kabaligtaran naman ang sa mamingwit sa ilalim. Bihira naman ito kapag tumataas ang merkado sa pangkalahatan. Madalas, ang mga bumabagsak ay ang biglaang bad news sa pang-araw-araw (halimbawa, ang biglaang paghahabla ng smuggling ka PNX).

Pero pwede namang gamitin pareho. Tandaan lamang marahil na ang fundamentals pa rin ng kumpanya ang dapat saligan. Ang PGOLD ay patuloy naman ang paglaki. Dito rin kami nag-go-groceries ng pamilya. At dapat walang malaking bad news ang kumpanya. Halimbawa ang MPI at MWC sa ngayon--dahil sa order ng MWSS na magbaba ng singil, di pa solido ang sitwasyon nila para hulaang mamingwit sa ilalim. Kasama na ang mga minahan na napakalikot ng presyo at wala pang liwanag ang kinabukasan hanggang di naaayos ang batas sa pagmimina sa Pilipinas.

Alin ang magandang abangan ang breakout sa ngayon? GLO siguro, subalit di ganon kalakas ang paglago ng negosyong ito kumpara sa PGOLD. Pwede rin ang ICT? JFC? DMPL?

Alin naman ang magandang abangan sa baba? VLL sa 5-5.05, AP sa 30 - 31, AEV sa ... magbasa ng forum tulad ng SMP para makasamang mamingwit. Madalas may isang pondo lang na piniling idispatsa ang stock, kaya nagiging parang bargain ito panandalian. Ang sarap talaga kapag nakatyempo ng ganire.

Thursday, September 26, 2013

CANSLIM Book ni Galgani, Kabanata 2

Sa kabanata 2 ng libro ni Galgani, ipinrisinta n'ya na agad ang buong konsepto ng CANSLIM. 


Mahusay na ang pagsusumang ito ng CANSLIM sa Investopedia.

Pero para maiba naman, lalo pang nagbigay ng mas kinapsulang pagsusuma ang libro. Mas pinaikli pa lalo ng awtor ang ideya ng CANSLIM tungo sa tatlong 'big rocks.' Naaalala kong ginagamit ang big rocks bilang idyoma ng isyu, matitinding suliranin, o malalaking kailangang gawin, na dapat gawing prayoriti. Sa parehong intensyon, ginamit ni Galgani ang termino parang bigyang diin--bago ang maliliit na pebbles, o kung anu mang taktika at stratehiya, kailangang unahing tirahin, kailangang nasa kukote parati, ang mga big rocks na ito:

#1 Bumili lamang ng stock kapag may confirmed uptrend na. Dumepensa kapag bumabagsak ang merkado. (ibig sabihin--lumabas at pumunta sa cash)

#2 Tutukan ang mga kumpanyang may malaking paglago ng kita at may bagong innovative na produkto or serbisyo.

#3 Bilhin ang mga stocks na binibili ng mga malalaking pondo (institutional investors). Iwasan ang mga binebenta nila nang malakihan.

At ang CANSLIM ay ginawa lang base sa dalawang ideya:
  • Hanapin ang mga papatok o mga malapit ng pabulusok paakyat, sa pamamagitan ng paghahanap ng mga stocks na may mga katangiang katulad ng mga pumatok noon, eksakto bago sumipa ang presyo nila. 
  • Ang malaman kung kailan na dapat magbenta. O maging mulat sa mga parehong senyales ng mga dating pumatok--noong naabot na nila ang tuktok at nagsimulang bumaba na. 
(si G. O'Neill) 

Sa mga sumusunod na pahina, pinakilala ni Galgani ang kanyang mentor na si O'Neill. Si O'Neill daw ay nasumpungang pag-aralan ang mga katangian ng patok na stocks, bago sila pumatok nang husto. Ang kanyang nadiskubre: ang pinakamagagaling na stocks ay mayroong pitong katangian bago siya sumipa nang matindi pataas. Ito na nga ang mas detalyeng CANSLIM:

C - para sa Current Earnings. Kailangang ang kita at sumisipa at tumutulin ang pagtaas sa mga katatapos na quarters (tigtatatlong buwan.

AAnnual Earnings. Para masiguradong hindi tsamba ang paglago ng kita sa nakaraang quarter, kailangan ding tignan ang kita sa pangbuong taon. Kailangang malakas ang pag-akyat ng kita nang nakaraang tatlong taon.

N - New company, product/service, industry trend, or management. Kailangang may bago sa kumpanya. Maigi kung bagong produkto mula sa inobasyon na magpapalaki ng benta. Pwede rin bagong management o kaya bagong kalakaran sa industriya na game-changer (bagong batas o kung anu man).

S - Supply and Demand. Ang magagandang stocks daw at magkakaroon ng above-average na pagtaas ng volume na ti-ne-trade, Ipinapakita nito ang interes ng mga propesyunal na investors o manedyer ng mga malalaking pondo

L - Leader or Laggard - Dapat lider ang kumpanya sa grupo nya. Kapag klarong nanguguna sya sa kumpetisyon, ang mga pondo ay pipila papunta sa stock na iyon.

I - Institutional sponsorship - ang mga institusyon at mga pondo ay dapat tinatangkilik ang stocks. Kailangan makita na dumadami ang bilang ng mga nag-mamay-aring pondo sa stock. Kumpirmasyon ito na susuportahan nila ang stock na pinpuntirya mo.

M - Market Direction - Sa kasaysayan daw 3 sa bawat 4 na stocks ay susunod sa direksyon ng kabuuan ng market, pababa man o pataas. Kaya't kailangang matutunong sumunod, hindi labanan, ang kasulukuyang daloy.


Ang C, A, at N ay ipinaloob ni Galgani sa ganyang malaking batong #2.

Ang S, L, I naman ay nasa malaking batong #3.

At ang M, na binibigyang diin parati, at nasa batong #1

Sa pagpraktis ng stratehiya ng CANSLIM, +24.7% bawat taon daw ang sipa ng portfolio noong 1998 - 2013, kumpara sa +2.6% lamang ng S&P (indeks ng Amerika).


Sinusugan ng iba pang suporta ni Galgani ang ilang aspeto ng CANSLIM. Halimbawa, kailangang tangkilikin ang pinagbibibili ng mga mutual funds, at iwasan ang dinidispatsa nila nang pangmalakihang bolyum. Masasaktan ka lang kapag nilabanan mo sila.

Sinundan ng libro ng halimbawang Apple vs. Dell ang ilustrasyon kung paano kabisa ang CANSLIM. Anya noong pagkapasok ng 21st century, ang Apple ay sumisipa ang kita, may bagong magagaling na mga manedyer. may bagong produktong iPhone at iPad, samantalang ang Dell ay palugmok sa lumang PC, pisat or istedi lang na kita, atbp. Pinakita ang graph ng galaw ng presyo ng Apple at Dell. Bumulusok ang Apple pataas, dumausdos pababa ang Dell.

Ang isa sa mga litaw na naiiba sa CANSLIM ay ang pag-waksi sa mababang P/E ratio bilang atraksyon ngpagbili. Anya ng mga CANSLIM practitioners, ang mababang P/E ay pupwedeng senyales ng kahinaan, hindi ng pagkapatok ng stocks. Ang pinakamalalakas na stocks ay malamang may mataas na P/E, dahil mataas ang demand sa kanila. Ang mga pobre naman at ibinebenta pababa, kaya bababa ang P/E nito

Taliwas ito sa opinyon ng mga value investors.

Ang aking hinuha naman tungkol sa CANSLIM ay sa mga susunod na kabanata na lang. Pansamantala, sisikapin kong tapusin ang pagsusuma ng ikatlong kabanata ngayong linggo.

Gudlak sa mga trade ninyo!

Sunday, August 25, 2013

CANSLIM Kabanata 1

Binabasa ko ang librong ito sa aking ayPad.


Sinulat sya ni Galgani

na alagad ni Bill O'Neill na sumulat naman ng mas mahabang librong ito:


Nakailang edisyon na ang mas sikat na librong green. Si O'Neill naman ay tanyag na tanyag din bilang matagumpay na investor sa US stock market, kung kaya't ang kanyang CANSLIM (na itinutulak ng parehong libro) ay kilalang-kilala rin.

Ang libro ni Galgani, ayon kay Galgani, ay suplemento sa aklat ni O'Neill. Mas tutok sa aksyon at mas binibigyan daw ng diin ang mga hakbang, at mas ineengganyo ang mga nagbabasa na simulan na ang mas matalinong sistema (gamit ang librong blue). Hindi kinakailangang beginner investor ka dahil kung pulpol ang sistema mo, nais ni Galgani na iwasto ka para di maubos ang iyong kapital. (paraphrase ko na ito)

Bukod dito, mahigit 500 pahina yata ang libro ni O'Neill (ang alam ko meron si Turmukesh nito), samantalang ang kay Galgani ay mahigit 200 lang. Dagdag pa, kung eestimahin ang bilis ng progreso ng pagbabasa ko sa kindle app, mukhang malalaking letra pa ang pagkakaprint sa libro, bukod sa bugbog ng mga charts. Hindi malabong matapos ng isang lingguhan ang aklat ni Galgani kung ganadong-ganado ka. Sa normal naman... akong kumakayod araw-araw nasa 3/4 na wala pang isang buwan.

Susubukan kong sumulat ng ilang komento sa bawat kabanata ng libro, para rin maging solido ang sarili kong pag-aaral.

Ito na ang para sa Kabanata 1:

Sa unang pasok pa lang ang diin agad ng awtor ay tungkol sa kailangang proteksyon sa pera na pag-aari na, kailangan ang malasakit sa kapital, kailangang hindi mawala ang perang nasasayo na. Anya, masusunod nang madali ito kung susundin ang kanyang unang patakaran: "kapag ang isang stock ay bumagsak ng 7% - 8% mula sa pagkakabili mo, BENTA na agad. Walang nang tanong-tanong." Makikita raw na mas madaling mapapalago ang pera kapag sinunod ang tuntuning ito. Pati raw sila O'Neill daw ay nagkakamali. At ang mga magagaling na investor ay mabilis na aakuin ang kanilang pagkakamali sa pamamagitan ng pagkitil sa pagkatalo, habang maaga pa.

Ang pangalawang alituntunin, bumili lang ng stock kapag ang buong merkado ay kumpirmadong paakyat na (in a confirmed uptrend). Ang dahilan: kapag bulagsak daw ang merkado, 75% ng stocks ay kasamang babagsak kahit ganong kagagaling ang mga kumpanyang ito, kaya't dapat mamili lang kapag pataas ang palitan para mas mataas ang pag-asa ng taya.

Ngayon, paano malalaman kung nasa confirmed uptrend na ang stock market? Simple lang... kailangan daw tumingin sa IBD.com at tignan kung may nakasulat na "confirmed uptrend."

Ito ang unang puwedeng ipula sa libro. Mukhang hindi agad siya akma sa kahit saang market sa labas ng Estados Unidos. Dangan kasi, gusto agad pagkakitaan ang mambabasa para mag-subscribe sa IBD.com, e hindi pa nga nakakaporma sa unang kabanata.

Isa pa sa likot ng ating merkado... at sa nakita nating dali (easying-easy ika nga) at walang pakundangang kayang pabagsakin ng mga banyaga ang esem ng -10% sa isang araw, baka ang "benta agad kapag 8% na ang talo" ay mahirap rin lalo't kapag ang araw na yun ay araw lang ng paglabas halimbawa ng iisang naghaharing Deutsche. Kumbaga, hindi ganong kalaki ang ating PSE para sabihing -8% sa isang stock ay palpak taym na at kailangan nang lumabas. Mas maigi kayang maglagay man lang ng araw na bibilangin bukod sa porsyento ng talo? Halimbawa, kapag tinamaan ng -8% sa loob ng limang araw o higit pa?

Subalit dito pa lang, sasabihin ko na ang lohika ng -8% ay may katumbas ng +20% sa sistema nila Galgani. Sa mga susunod na kabanata, ang utos naman ay magbenta kapag umabot na ng +20% ang ganansya. Ito ang halimbawa ng risk-reward na sinasabi ng mga eksperto. Ang risk:reward sa kasong ito ay 1:2.5. Matatalo ka ng piso sa ilang 'kaunting' pagkakataon (kung susundin pa ang iba pang batas ng CANSLIM) sa bawat tatlong pisong kikitain (maraming beses mangyayari, kung susundin ang iba pang utos ng CANSLIM) .


Ang iba pang laman ng kabanata ay mga eksampol at suporta sa dalawang kautusan, at pahapyaw sa mga susunod na sangkap ng canslim, mula sa pagtingin sa mga dating pangyayari hanggang sa mga totoong stock na perpekto sa canslim at swak na swak kung pinasok ayon sa mga ituturo ng libro.

Sa huli, bagamat hindi syento porsyentong akma sa PSE ang mga hakbang na idinedetalye, solido ang sinasabi ng Kabanata 1. Kung hahayaan nyo akong i-paraphrase:

  • matutong mag-cut-loss ng mas mababang porsyento kaysa sa pinaplanong kita.
  • wag papasok nang hindi pataas ang merkado; matutong maghintay.

Yun nga lamang, kailangang alamin kung akma ba ang -8% sa atin, lalo kung shakeout lang ang nangyayari sa isang stock na nag-te-trade lang ng kaunting milyon (average na kung baga sa atin, pero maliit pa rin para sa mga banyaga). Kailangan bang mas mataas, mga -10%? At pwedeng 25% naman ang pagbenta para hindi mabago ang risk-reward ratio? O lagyan ng ilang araw na palugit (ibenta sa  -8% kapag inabot ito ng isang linggo)?

Kailangan ding malaman at gumawa ng sariling sukatan at indicator kung kailan ang uptrend para sa PSE (dahil hindi tayo minomonitor ng IBD.com). Kapag lumampas na ba sa 200-day simple moving average ang presyo ay confirmed uptrend na?

Sa susunod na Linggo, sisikapin kong magsulat naman tungkol sa Kabanata 2 ng libro ni Galgani.

Sunday, July 21, 2013

On averaging down (part 1) and San Miguel

Against the advise of many traders, I still practice cost averaging, partly because I find it as a way to minimize risks and be conservative on my bets. Chartists will be quick say that the method doesn't work and in fact risky, but I have good averaging up and/or down winning than losing moves. I'll write a few of my learnings on this method. Let's start with this first one...

AVERAGING DOWN LEARNING # 1

As in all securities that you should enter, one should cost-average down only if you believe in the company's fundamentals and management, not because one just believes in the method of averaging down. On a downtrend, averaging down can be purely catching falling knives.

And if the company is like San Miguel with brash Ramon Ang just diversifying like crazy and borrowing money and plowing along paying his managers high, while revenue and income are stagnant or decreasig, no method of cost-averaging can save the transaction.

This was my recent mistake.

San Miguel was among the last of the conglomerates to show strength, and among the cheapest (lowest in P/E), during PSEi's bull run from March to May, and I earned from its jump from ~113 to 123ish in near term, selling all shares before the downtrend to transfer funds to another one. I was aware of the huge debts this company has the inclination to rack up, so for sure SMC is not the company that should be for long term (it also doesn't pay much in dividends).

When the downtrend started, I cant believe a blue chip can go down 5% in one day without bouncing, more so in the backdrop of our scintillating gdp, so I reentered at point 1 below. Then the downtrend continued steeply, so i added in 2 at half the tranche of the first one . But then the downtrend continued steeply, so I added again in 3, a bit less than 2, hoping for a bounce to break even.


After a few days, traders are surprised to see that SMC is the lone conglomerate showing negative 30% year-to-date, amidst positive 30 % of its competitors! If this is not a slap in the face of SMC's board, I don't know what is. But RSA and Danding have nothing to say in their ASM, except something like "our fundamentals should speak for itself and help our shares up..." Goddamn, what are your 'good fundamentals,' SMC, compared to AEV, AC, et al? Decreasing income and increasing debts?

Damn these two cohorts:


By mid June, SMC is obviously weak and a clear laggard vis-a-vis its peers. There's no hope in gaining again in near term with SMC. Funds should have better use elsewhere.

As one last gasp, I observed that SMC's price seems to be bouncing in range, so I added a last position in # 4, which brought me to a final average price at 101, and then closely observed price behavior closely the following days and decided to sell at 92. With the gain in the bull of March - April, I still came out a loser by around 8 K with SMC. If i did not average down and stopped at 1, I would have lost only ~2.5 K.

This averaging down  was a mistake obviously 1) for fighting the clear downtrend (even falsely hoping for the short term bounce), and 2) betting on SMC.

# 2 is obviously the bigger mistake. I'll write more on SMC later.

But there's a coda to this story... In a few days after I sold it, SMC tumbled down further and harder on the rumor of a default, spread by IMF no less and Tiglao (ex press secretary which must be hunted now by Danding).
I was still thankful bottomline. And I do not intend to come back to this supposed Philippine institution unless there's management change or a staggering positive milestone like the promised turnaround of PAL materializes, or the bragged new airport really happens.