–Uy salamat
–Mukhang pagod na pagod kayo sir ah san ka nagtatrabaho
–Wala pa trabaho. Nag-aaral pa lang. Stress ng term papers lang siguro yang nahahawakan mo.
–Madalas ka ba dito sir
–Hindi ngayon lang, nalibre lang nang barkada.
–Talaga sir.
–Oo. First time. Kinakabahan nga ako sayo.
–Ba’t ka kinakabahan sir, ikaw naman. May misis ka na ba.
–Wala pa. ambata ko pa, college pa lang.
–Gelpren, sir?
–Wala rin akong gelpren. Walang pandeyt at oto. Puros may mga oto lang ang nagkakagelpren
–Hindi naman siguro ako kahit jeep lang ang date basta mabait sir.
–Wag mo akong tawaging sir. Mahirap lang kami,
–Ako rin mahirap kaya nga andito.
–Bat angganda nang boses mo.
–Palabiro ka.
–Hindi nga.
–Pihit na nga. Tihaya na.
–Ang ganda ganda mo. Akin ka na lang.
O, baka magkaideya kayo kung san gagastusin yang kinikita sa istaks ha
No comments:
Post a Comment